TBS Trese/TBS13/TBS One/True Brown Style/True Brown Sista started back in 1995. It was Transcend(Allan), Lyric(Eric),
Pubic(Robert),Spooky(Boyet), Doobie(Edmond), DJaws(Totie), Black(Hyde) and Don Lucas(Don) and some other clicks from all over
Manila, Joseph(Saitan) and Eric(Muerto), Jay (Fuzzy). We recruited people who was down to whatever. We use to tag on the back
of the G-Liner buses, Robinson's Galleria, SM Megamall, Greenhills, Greenbelt-Makati, along Ortigas Blvd.(this is where we
probably got famous), in our own villages, barios, hometown, and literally everywhere we go, we just keep taggin whenever
we can. We did a big time TBS Graffiti at an abandoned commercial space somewhere in Manila. We had people who wanted to join
and willing to take any consequences it brings. All of this started with just 8 individuals trying to lift the hip-hop culture
in the Philippines. It later began a click, a very big click that is up to now is very well known and recognized.
Marami ang uri ng musikang rap. Mayroong "makabayang rap" kung tawagin na pinasikat ni Francis Magalona, rap na
puro kalokohan tulad kay Andrew E. at gangster rap o "gangsta" rap.
Halos pareho lang ng huling halimbawa ang dalawang nauna kaya lang, may temang marahas kapag pinakinggang mabuti.
Ang musikang ito ang sinundan ng The CORRESPONDENTS kamakailan upang ugatin ang kultura at kasaysayan ng isang grupong
kung tawagin ay ang "True Brown Style" o TBS.
Ika-siyam na araw noon ng pagkamatay ng presindente ng TBS. Nahuli ang The CORRESPONDENTS, sa padasal bagamat naabutan
ang kantahan ng grupo.
Kaiba sa karaniwang ritwal ng kamatayan, masaya ang pagdiriwang para sa gang leader na namatay sa marahas na paraan.
Nakilala lang ang lider na si Joseph Chua. Binaril ni Chua ang kanyang sarili sa harap ng ina.
Sa panayam kay Lilia, inulilang ina, sinabi nitong posibleng nagsawa sa kakasermon niya ang anak.
Dalawampu't lima lang ang edad ni Chua nang magpatiwakal. Iniwan niya ang dalawang anak at ang ina ng mga bata, dati niyang
nobya.
Ang Joseph Chua na ulirang anak sa paningin ng kanyang ina, ay higit na kilala sa TBS bilang si "Satan," beterano
ng grupo. Isa rin siya sa mga unang miembro ng TBS.
Ayon sa ilang kasapi ng TBS, nagpakamatay si Chua alias Satan dahil nabigo siyang ipaghiganti ang kasamahang napatay.
Nagmula sa San Diego, California ang TBS, grupo ng kabataang Mexicano na mahilig sa pormang hip-hop at musikang rap.
"Bling-bling" ang tawag sa naglalakihan at nagkakapalan nilang alahas. Gumagamit rin sila ng stocking na isinusuot
sa ulo. Paborito nila ang double extra large na kamiseta at pantalon.
Naunang nauso ito sa Amerika upang madaling magtago ng baril at anumang armas, upang madaling makatakbo kapag napasok
sa gulo.
Sa gangsta rap na kanilang paborito, ang karahasan at di lang laman ng kanilang awit, ito rin ang tema ng kanilang buhay.
Buong pagmamalaking sinabi ni alias Dorobo na marami na siyang napatay.
Hindi na rin kailangan ang pruweba sa aspetong ito dahil sapat na ang pagiging mainit ng TBS sa mata ng pulisya bilang
patunay. Ito dahil malimit masangkot sa mga insidente ng gulo at barilan ang grupo.
Sa kanilang tambayan sa Pasay, ipinakita ng mga miembro ang kanilang mga gamit. Ang payo ng kanilang pinaka-founder, huwag
nang magtayo ng grupo kung wala rin lang armas.
Aminado naman ang TBS na gumagaya lang sila sa mga hip-hop gang sa Amerika maging sa away.
Isa hanggang dalawang linggo ang kanilang pinapalipas bago bumawi sa kalaban. Pero sa puntong ito, hindi na harapan ang
laban.
"Katayan" ang tawag nila sa away at "lalapag" naman kung lulusob sa kalaban.
Umiiwas na rin silang magdala ng babae sa mga awayan dahil lalo lang silang napapahamak tuwing aawat ang mga ito.
Matapos ang isang dekada mula nang itatag, TBS na ang pinakamalaking gang sa Pilipinas.
Para sa mga nais sumali, kailangan munang dumaan ito sa "jump-in," ang kanilang initiation rite.
Pipiringan ang mata ng neophyte at sa loob ng 30 segundo, gugulpihin ito ng mga naroong miembro.
Kung ilan ang miembrong nakatayo sa paligid ng neophyte, sila rin ang gugulpi sa baguhan.
Bawal nga lang manuntok sa mukha.
Minsan, ang initiation ay kinakailangan pang mamaril muna ng kalaban. Sa Pasig chapter, ang bagong pasok sa gang ang pinatatamaan
ng punglo.
Pagmamalaki pa ni Dorobo, halos lahat ng kalye sa Kalakhang Maynila ay may TBS. Problema nga lang, sa laki ng TBS, sila-sila
na rin minsan ang nagbabanggaan.
Hindi lang baril ang bisyo ng gang. Nandiyan rin ang marijuana at alak. Bagamat karamihan sa kanila ay nakapag-aral, wala
ni isa sa kanila ang may trabaho.
Nakatakip man ang kanilang mukha nang kapanayamin ng The CORRESPONDENTS, hindi sila nahiyang sabihin na mamamatay-tao
ang kanilang grupo.
Totoong hindi maitatanggi na laganap ang karahasan sa lansangan.
Totoo ring may namumuong galit sa mga kabataan na ngayon pa lang, mayroon nang sariling mundo at iginuhit sa dugo at pulbura
ang kinabukasan.
|